Sulat

Sa sulat kong ito
Binubuhos ko ang aking nararamdaman
Tila parang kadenang gustong kumalas
Na walang pag aalinlangan

Bawat letra ay sumisigaw
Sa papel kong tikom pero
mulat sa katotohanan

Katotohanang ako’y iniwan mo
Katotohanang iba na ang tinitibok ng puso mo

Nilapat ko ang tinta
Na wari mo umiiyak ng tuloy- tuloy
Akala mo kami’y iisa

At tinapos ko ang sulat na ito sa isang tuldok

Pero wala akong balak ibigay sayo ito
Kundi itatago ko ito sa munting kahon
Papalipasin ang panahon

Sa muling pagbuklat at pagbasa ng sulat ko na para sayo
Masasabi ko ako’y ayos na at ikaw ay isang nakaraan na lamang

Jeep

Naghihintay ako ng jeep sa may kanto
Pinara ko ito at umupo
Sabay banggit ng “bayad po”

Habang binabagtas ko
Ang aking pupuntahan
Iba’t ibang tao
Ang aking pinagmamasdan

May nakatulog sa pagod
May nakangiti na pawang kinikiliti
May Naghuhuntahang dalawang babae
Akala mo di na magkikita muli

May pumukaw sa aking tabi
Isang paslit na nakatingin
Na parang may gustong sabihin sa akin

Ngumiti siya sa akin
Sabay ngiti ko rin sakanya
Pero isang malakas na “para po”
At sabay baba nila ng kaniyang ina

Isa akong estranghero para sakanya
Pero nagawa naming ngitian
Ang isa’t isa

Simpleng bagay
Simpleng ngiti nia
Ako’y napasaya niya

Together

image

Sweet thoughts running through my
head
One smile
One glance
One laugh of you
And i will be ok
But if you give me a kiss
A kiss of nostalgia
A kiss of summer
Its a bonus
That i will never forget

liwanag

Binabagtas mo ang daan
ng kadiliman ng walang katapusan
ikaw ay hinihingal
sa paglakad

lakad lang ng lakad
na walang nararating
at hindi alam ang pupuntahan
nangamba ako
puno ng takot sa buong kalamnan

takbo lang ang isang paraan
at walang tubig na maasahan
nakaramdam ng sakit
ang talampakan
tila parang may kung anong
likido at hapdi
ang iyong nararamdaman

nangangapa sa dilim
nagmamakaawang palabasin
sumisigaw
hanggang maubusan ng hangin

awang awa sa sarili
kaylan pa matatapos ang pasakit na ito
biglang sulyap ng liwanag
na parang narinig ang iyong hinaing

hinaing na kumawala sa dilim
at ikaw ay
huminga ng malalim

Duyan

image

Sa Araw Araw ng aking pag gising
mukha mo ang nais kong makita
kulubot mong mukha
ngiting walang bukas
at hagikhik mong kay saya saya

Isang Araw sa aking pag gising
Tila may bago sayo mukha
kulay luya mong balat
humahapo mong pag hinga
nangungusap na mga mata
at mabagal na paglakad

May mga araw na ika’y
nakatingin sa kawalan
nilalasap ang mga oras
habang ikaw ay nasa duyan
tinawag mo ako
at pinili mo ang
titigan at sauluhin ang mga pekas
at kulubot kong mukha
na yaong may pinagdadaanan

sabay ngumiti ka

Hunyo bente sais
alas onse sa gabing yun

Hinanap kita at natagpuang
natutulog sa iyong duyan
natutulog nga ba?
lumapit ako na may kaba sa dibdib
walang senyales ng pag hinga
umupo ako sa yong tabi at umiyak
Niyakap ng kay higpit higpit
ang brasong mong nilalamig
hinawakan ko ang yung mukha
baka sakali ang init
na galing sa aking palad ay
mahugot ang iyong hininga

Kinabukasan pag gising ko
bahay ay tahimik
naglakad ako papunta sa iyong duyan
umupo’t at kinakausap ang hangin
sa pag asang maririnig mo ito

Napatingin ako sa langit
inaalala ang yong mukha
tumulo ang luha
pero alam ko na
ikaw ngayon ay masaya na

Alaala

image

pinili mo mag isa
pinili mo magkulong sa kwadrado
mong kuwarto at humiga
kinumpas ang mga kamay
na wari may inaabot ka at
sumasabay sa isapan mo
ang dating alaala
alaala na buo ka
alaala na ika’y masaya
ng bigla na lamang tumulo
ang iyong luha
niyakap mo ng mahigpit
ang iyong sarili
at sinambit ang mga katagang
“ayos lang yan magiging ok ka”

SANA

May mga bagay na hindi mo na  puwede ipilit pa
Lalo na isa sa inyo bumitaw na
May mga araw na naging masaya kayo, pero mas lamang ang lungkot na nadarama
Oo naging sakim ako
Pero masisi mo ba ako
eh! mahal kita
Nagdaan ang mga araw,
buwan at taon
Na di tayo nagkita
Kanyang kanyang
buhay kung baga
Pero ito tayo nagkita muli
Di ko malaman ang gagawin
Aatras ba o Aabante
Pero mas pinili nalang ntin
daanan ang isa’t isa
Hanggang ngayon kasi
umaasa padin ako
Na sana tayo pa
Na sana tayo nga…….

                              by:Daphne

I’m living in a loneliness

A place i don’t belong

 in a place that so dark & empty

in a place  where my shadow be with me

A memory repeated itself

if only tears is a key

i want to escape

& ill run to a door that

full of happiness